(Disclaimer: This is written in my native tongue, Filipino. Also, the photo is not mine.)

 

Bata palang mahilig na ako makipaglaro

Tumbang preso, piko, tagu-taguan  

At minsan taya-tayaan hangang lahat kami

Ay hindi na makahinga o makatakbo.

Pero habang hinahabol ko ang aking kalaro

Hindi ko napansin ang isang bato na sadyang parang naghihintay lang ng inosenteng biktima na katulad ko.

Nadapa ako, nasugatan, at umiyak na parang nawasak ang puso.

Akala ko talaga noon na mamatay na ako.

Nang niyakap niyo ko sa likod at pinilit niyo kong tumayo para lang sabihin niyo sakin,

“Anak, okay lang ‘yan. Kaya mo ‘to.”

Napatahimik ako noon pero hindi ko kayo sineryoso

Dahil nga bata pa lang ako.

Ano ba alam ko?

 

Elementarya ako noon nang sinabi sa akin ng kaibigan ko na gusto niyang lumipat ng paaralan. 

Masmura raw kasi ito at siya raw ay makakatulong sa gastos.

Humingi siya ng opinyon ko, kumbaga pahintulot.

Hindi ko sinabi sa kanya ang totoo,

Na gusto ko siya manatiling kaibigan dito.

Dahil alam ko na maganda nga ‘yung paaralan na iyon

At sino ba ako para sabihin sa kanya na wag na kamo?

Kwinento ko iyon sa inyo at sinabi niyo ulit sa akin ‘yung sinabi niyo sa akin noon,

“Anak, okay lang ‘yan. Kaya mo to.”

Hindi ko parin sineryoso ‘yung sinabi niyo noon.

Ngunit naintindihan ko naman siya kahit papaano.

 

Sa high school ko naman naranasan ang sakit ng puso.

‘Yung tipong sakit na hindi agad gumagaling

Kahit anong gawin mo.

May isang araw pa nga umuwi ako, diretso ako agad sa kwarto.

Dahil pakiramdam ko nga ang walang kwenta kong tao.

Hindi ko kayo pinuntahan noon at hindi ko rin sinabi sa inyo

Kung ano nga ba problema ko.

Pero nagulat na lang ako noong kumatok kayo para lang sabihin,

“Anak, okay lang yan. Alam namin na kaya mo ‘to.”

Tinago ko na lang ata ‘yung mukha ko sa unan noon

Para naman hindi niyo marinig ‘yung pagdurog ng puso ko.

 

At sa kolehiyo ko naransan ang pagkasira ng buo kong pagkatao.

‘Yung tipong hindi ako natulog,

Hindi ako nagpakita sa mga tao

Ginawa mo ang lahat para lang sa numero na ‘yon.

Ano? Mababa parin ako?

Akala ko talaga hindi ko malalampasan ang unang taon.

Pero ito kayo.

Sabi niyo sakin,

“Anak, kaya mo ‘yan. Naniniwala kami sa’yo.”       

 

Alam ko darating yung panahon na tayo ay maglalayo

at hindi na tayo maninirahan sa iisang bubong.

Masakit man isipin at nakakatakot man tanggapin

ang katotohanan na hindi na ako yung batang nahulog at nagkasugat sa tuhod

Alam kong magiging okay lang ako.

Bakit?

Kasi sabi ng magulang ko at ito ang totoo.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s